NAKAKAGULAT NA BALITA: Nasa gitna na naman ng pampublikong kontrobersya si Ryan Agoncillo matapos mag-leak online ang isang pribadong larawan ng pamilya.

Pag-kiss ni Ryan Agoncillo kay Yohan sa lips hindi aprub sa ilang netizensRyan Agoncillo, Judy Ann Santos, Yohan, Lucho at Luna Agoncillo
IPINAGTANGGOL nina Ogie Diaz at Mama Loi sa kanilang “Showbiz Update” YouTube channel ang mag-amang Ryan Agoncillo at Yohan Agoncillo sa isyung kinasasangkutan nila ngayon.

Marami kasi ang nag-react nang mag-smack sina Ryan at Yohan pagkatapos ng isang car racing event.

Pag-kiss ni Ryan Agoncillo sa lips ni Yohan hindi aprub sa ilang netizens

Say ni Ogie, “Ito madalas nating makita sa TikTok at sa Facebook na hanggang ngayon ay isyu ‘yung pagki-kiss ni Ryan Agoncillo sa kanyang daughter na si Yohan sa lips (ipinakita ang video na nag-kiss ang mag-ama). ‘Yan ngayon ang pina-uusapan Mama Loi.

“May mga nagre-react at may mga nagtatanggol,” sabi naman ni Mama Loi.

Ipinakita ang mga komento ng netizens na may pumupuri dahil ang sweet ng mag-ama pero may mga nagtatanong kung bakit kailangang sa lips pa halikan.

Pagpapatuloy ni Ogie, “Ang isyu kasi rito bakit daw hinahalikan pa rin ni Ryan Agoncillo ‘yung kanyang daughter sa lips samantalang ito ay dalaga na dapat daw ay hindi ginagawa. Sinasabi ng iba lalo na raw at adopted hindi niya biological daughter. Bakit mayroong ganu’n?”

Para kay Ogie bilang daddy ng limang anak niyang babae, “Ako bilang biological dad hindi ko naman ginagawa ‘yung ganu’n, hindi ko naman ginagawa ‘yung sa anak ko, so, dapat kong gawin dahil biological ako?”

Tanong ni Mama Loi, “Ikaw ba hinahalikan mo sa lips ang mga anak mo?”

“Hindi, inaakbayan ko tapos inaangklahan kong ganu’n (minuwestra) ganu’n lang pero para hindi halikan si lips? Nu’ng mga bata sila hinahalikan ko sa lips,” ani Ogie.

Dagdag pa, “Pero ako na mismo nakaramdam na kapag lumalaki na sila, e, medyo awkward na, sa akin lang ‘yun, ha.”

Hirit ni Mama Loi, “Naku ‘Nay baka ma-misinterpret nilang against ka du’n (sa pag-smacl nina Ryan at Yohan).”

Judy Ann Santos at Mga ANAK nito SINUGOD si Ryan Agoncillo sa FIRST Podium Racing Para SUPORTAHAN - YouTube

Mabilis na sagot ni Ogie, “No, no. Sa akin ‘yun Mama Loi! Hindi ko naman alam sa ibang tatay.  Tulad niyang si Ryan, iba-iba ‘yung opinyon ng mga tao, hati (ipinakita ulit ibang komento ng netizens).

“Pero mas marami ang nagtatanggol. Kasi unang-una wala naman tayo do’n sa loob ng bahay (ng mga Agoncillo) bilang ganu’n ang dynamics nila bilang mag-ama kung nagki-kiss talaga sila sa lips,” ani Ogie.

Singit ni Mama Loi, “Kung ano ‘yung naging kultura’t nakasanayan nila sa bahay nila, di ba ‘Nay?”

Binasa ni Mama Loi ang ibang komento. Sabi ng isang netizen, “Many people will give malice on this first and of course, she (Yohan)  is adopted, not real daughter of Ryan, second she already a grown up woman.”

“I don’t think it’s a good thing. Nothing malice about it, but everything has a limit. Kaya nga hindi maiwasang may nade-develop sa pagiging kamag-anak dahil sa ganyan, dapat may limitasyon, maling-mali,” komento ng isa pa.

Nabanggit naman ng “Showbiz Update” hosts na mas marami naman silang nabasang ipinagtatanggol sina Ryan at Yohan.

Kaya ang payo ni Ogie sa mga netizens, “Wag na nating bigyan ng malisya kasi hindi lang siguro sanay ang mga tao na nakakakita ng ganu’n kasi nga grown up na ‘yung bata ay humahalik pa sa lips ng magulang kasi nga ‘yung iba hindi sweet, ‘yung iba hindi kayang gawin kasi ‘yun at hindi nila nakagisnan kaya sila naninibago.”

Sabi pa na nandoon naman daw si Judy Ann Santos at pagkatapos halikan ni Yohan ang daddy niya ay ang mommy naman niya ang hinalikan at for sure magre-react naman daw ang mommy niya kung nakitaan niya ng malisya ang pag-kiss ng mag-ama.

Anyway, bukas ang BANDERA sa panig nina Juday at Ryan tungkol sa isyung ito.

Related Posts

MAVY LEGASPI IPINALIWANAG KUNG BAKIT GANUN SIYA MAG-HOST SA PBB COLLAB 2.0 BIG NIGHT

PBB COLLAB 2.0 BIG NIGHT: “CRINGE MOMENT” NG HOST, NGUNIT ISANG TAGUMPAY PA RIN Sa isang gabi ng kislap, ilaw, at walang patid na excitement, naganap ang…

WALA NG CONTRACT! GMA HEAD LILIPAT NA NG TV NETWORK!

WALA NG CONTRACT! GMA HEAD LILIPAT NA NG TV NETWORK! Isang nakakagulat na balita ang kumalat sa industriya ng telebisyon ngayong araw. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source,…

NAGTAGO NA BA SI GRETCHEN BARRETTO? 😳 Iba na pala ang takbo ng kanyang buhay ngayon kumpara sa mga panahong laman siya ng headlines at kontrobersiya. Mula sa marangyang pamumuhay at matitinding isyu, tila pinili niya ang mas tahimik na mundo. Pero ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanyang paglayo sa spotlight? May bagong yugto bang hindi pa alam ng publiko? Tuklasin ang buong rebelasyon sa bahagi ng komento 👇

Sa mahabang kasaysayan ng Philippine entertainment, kakaunti ang mga personalidad na ang pangalan ay kasing-tunog ng karangyaan, talento, at kontrobersya gaya ni Gretchen Castelo Barretto. Kilala bilang…

EKSKLUSIBO: Daddy Bonoy, Binasag ang Katahimikan! Ang Maanghang na Mensahe at Hinanakit kay Paul Soriano sa Gitna ng Matinding Pagsubok ng Pamilya Gonzaga

Sa gitna ng makabago at mabilis na mundo ng showbiz, kung saan ang bawat kibot ay balita at ang bawat desisyon ay hinuhusgahan, muling nalagay sa sentro…

GLOBAL CRISIS ALERT: Gitnang Silangan, Nagliliyab sa Giyera! Strait of Hormuz Isinara, Kaligtasan ng Milyong OFWs at Posibleng Pagdamay ng Pilipinas, Mariing Tinutukan!

ng Mundo sa Bingit ng Panibagong Digmaan: Ano ang Ibig Sabihin Nito para sa Bawat Pilipino? Sa mga oras na ito, ang mga mata ng buong mundo…

KIM CHIU, HINANAP NG MGA FANS SA HISTORIC PBB BIG NIGHT; DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA, EMOSYONAL SA PAGKA-PANALO NI LELLA FORD BILANG KAPAMILYA BIG WINNER!

MAYNILA, Pilipinas – Sa isang gabi ng makasaysayang pagtatapos at umaapaw na emosyon, muling pinatunayan ng Pinoy Big Brother (PBB) na ito pa rin ang tahanan ng…