Jeric Raval, inaming dalawa na ang apo kina AJ Raval at Aljur Abrenica

Ang pag-amin ni Jeric Raval na may mga apo na siya sa kanyang anak na si AJ Raval at sa partner nitong si Aljur Abrenica ang kumpirmasyon ng matagal nang haka-hakang itinanggi ng showbiz couple.

Nangyari ang pag-amin ni Jeric sa panayam sa kanya ng entertainment press sa victory party ng Mamay: A Journey To Greatness na naganap sa isang restaurant sa Quezon City noong Sabado, August 23, 2025.

Ang Mamay ang pelikulang nagbigay kay Jeric ng best supporting actor award sa 73rd FAMAS na nangyari sa Manila Hotel noong Biyernes, Agosto 22, 2025.

Hindi na nakagugulat ang rebelasyon ni Jeric tungkol sa pagiging ina ni AJ.

Pero bago para sa marami ang kanyang inilahad na impormasyong dalawa na ang anak nina AJ at Aljur — isang lalaki at isang babae.

May dalawang anak si Aljur sa asawa nitong si Kylie Padilla kaya apat na ang supling niya dahil dalawa na rin ang anak niya kay AJ.

AJ Raval insists relationship with Aljur Abrenica began after his split  with Kylie Padilla - YouTube

AJ AND ALJUR’S PAST DENIAL

Nag-umpisa noong 2019 ang acting career ni AJ, at nagsimula ang pagbibida nito sa pelikula dahil sa kanyang partisipasyon sa Paglaki Ko, Gusto Kong Maging Pornstar (2021).

Noon pa man, isyu na ang pagkakaroon niya ng anak bago siya pumasok sa showbiz.

Isang taon na ang nakararaan ng kapwa mariing pinabulaanan nina AJ at Aljur sa panayam sa kanila ni Julius Babao ang pagkakaroon ng anak na isinilang umano noong Nobyembre 2022.

AJ Raval shows sweet photos with boyfriend Aljur Abrenica | PEP.ph

Diretsong sagot ni AJ: “First of all, hindi po ako taon-taon buntis. Parang yearly na lang po akong buntis.

“Siguro po kung mabubuntis man ako ngayon, magalit man yung maraming tao, ako pa rin po yung pinakamasayang tao sa buong mundo.

“Hindi ko siya masyadong binigyan ng focus kasi nung nawala ako, ang saya-saya ko.

Read more about

“Imagine, kahit papaano, naka-graduate ako, nag-ALS ako, natulungan ko yung mga tao sa programa na yun.May mga na-inspire ako, bakit ako magpo-pokus sa ganoong bagay, di ba?

CONTINUE READING BELOW ↓

 NOOD KA MUNA!

“Actually, hindi ko na siya napansin masyado. Parang nasanay na ako sa mga isyu-isyu tsaka yearly ako buntis every day.”

“Wala po,” sagot naman ni Aljur tungkol sa diumano’y inililihim nilang anak ni AJ.

Ito ay matapos lumabas noon sa social media ang kanilang larawan na may kasama silang batang babae.

Ayon kay Aljur: “Actually, nakita ko yon kagabi. Nakita ko yon sa social media.

“Sir Julius, hindi talaga… ewan ko ba.

“Yung nangyari nga sa amin noon, parang lumipas muna yung isang taon bago ko nalaman na, ‘Ah, may isyu pala.’

“Yung kagabi, nakita ko nga. Sabi ko, ‘Bakit natsitsismis na may anak kami? Ang bilis naman lumaki ng bata.”

Nangyari ang panayam kina AJ at Aljur noong Agosto 2024.

Makaraan ang isang taon, nabalewala ang mga pagtanggi at nasira ang kanilang kredibilidad dahil sa pagtatapat ni Jeric na dalawa na ang mga anak nila.

Para kay Jeric, hindi rebelasyon ang kanyang ginawa dahil alam nilang lahat ang katotohanan at ngayon lamang daw may nagtanong sa kanya kaya sumagot siya.

Related Posts

MAVY LEGASPI IPINALIWANAG KUNG BAKIT GANUN SIYA MAG-HOST SA PBB COLLAB 2.0 BIG NIGHT

PBB COLLAB 2.0 BIG NIGHT: “CRINGE MOMENT” NG HOST, NGUNIT ISANG TAGUMPAY PA RIN Sa isang gabi ng kislap, ilaw, at walang patid na excitement, naganap ang…

WALA NG CONTRACT! GMA HEAD LILIPAT NA NG TV NETWORK!

WALA NG CONTRACT! GMA HEAD LILIPAT NA NG TV NETWORK! Isang nakakagulat na balita ang kumalat sa industriya ng telebisyon ngayong araw. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source,…

NAGTAGO NA BA SI GRETCHEN BARRETTO? 😳 Iba na pala ang takbo ng kanyang buhay ngayon kumpara sa mga panahong laman siya ng headlines at kontrobersiya. Mula sa marangyang pamumuhay at matitinding isyu, tila pinili niya ang mas tahimik na mundo. Pero ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanyang paglayo sa spotlight? May bagong yugto bang hindi pa alam ng publiko? Tuklasin ang buong rebelasyon sa bahagi ng komento 👇

Sa mahabang kasaysayan ng Philippine entertainment, kakaunti ang mga personalidad na ang pangalan ay kasing-tunog ng karangyaan, talento, at kontrobersya gaya ni Gretchen Castelo Barretto. Kilala bilang…

EKSKLUSIBO: Daddy Bonoy, Binasag ang Katahimikan! Ang Maanghang na Mensahe at Hinanakit kay Paul Soriano sa Gitna ng Matinding Pagsubok ng Pamilya Gonzaga

Sa gitna ng makabago at mabilis na mundo ng showbiz, kung saan ang bawat kibot ay balita at ang bawat desisyon ay hinuhusgahan, muling nalagay sa sentro…

GLOBAL CRISIS ALERT: Gitnang Silangan, Nagliliyab sa Giyera! Strait of Hormuz Isinara, Kaligtasan ng Milyong OFWs at Posibleng Pagdamay ng Pilipinas, Mariing Tinutukan!

ng Mundo sa Bingit ng Panibagong Digmaan: Ano ang Ibig Sabihin Nito para sa Bawat Pilipino? Sa mga oras na ito, ang mga mata ng buong mundo…

KIM CHIU, HINANAP NG MGA FANS SA HISTORIC PBB BIG NIGHT; DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA, EMOSYONAL SA PAGKA-PANALO NI LELLA FORD BILANG KAPAMILYA BIG WINNER!

MAYNILA, Pilipinas – Sa isang gabi ng makasaysayang pagtatapos at umaapaw na emosyon, muling pinatunayan ng Pinoy Big Brother (PBB) na ito pa rin ang tahanan ng…