Congressman Zaldy Co, lalong nadiin dahil sa vlogs ng pamangking si Claudine Co

Ang lantarang pagbabahagi ng lifestyle vlogger na si Claudine Co ng magarbong pamumuhay ng kanilang pamilya sa social media ang pinakadahilan para lalong madiin ang kanyang mga kaanak sa eskandalo sa infrastructure projects ng pamahalaan.

Si Claudine ay pamangkin ni Ako Bicol party-list Representative Zaldy Co at anak ni dating Congressman Christopher Co.

Si Zaldy ang isa sa mga nagtatag ng Sunwest Construction and Development Corporation, samantalang ang kanyang kapatid na si Christopher ang founder ng Hi-Tone Construction and Development Corporation.

Ang dalawang nabanggit na construction company ay kasama sa ibinulgar na listahan ni President Ferdinand Marcos Jr. ng Top 15 contractors na nabigyan ng DPWH ng mga proyektong nagkakahalaga ng PHP105 billion.

Sangkot umano ang contractors na ito sa mga anomalya, ghost projects, at may koneksiyon sa mga pulitiko.

zaldy co niece claudine co

Hindi pa nagbibigay ng pahayag at paliwanag si Congressman Zaldy Co tungkol sa mabibigat na akusasyon laban sa kanya na higit pinatindi ng mga video ng lavish lifestyle ni Claudine noong aktibo pa ito sa social media.

Pero ayon sa mga kapwa niya kongresista, matagal nang hindi nagpapakita ang Ako Bicol party-list representative buhat nang magbukas ang sesyon ng 20th Congress noong Hulyo 28, 2025.

Ayon kay House of Representatives spokesperson Atty. Princess Abante, wala sa Pilipinas si Congressman Co dahil nagpunta ito sa Amerika para magpagamot.

Hinihikayat si Congressman Co ng mga kasamahan nito sa Kongreso na lumantad at magsalita para maipagtanggol ang sarili laban sa mga akusasyon sa kanya.

DISCAYA FAMILY IN VIETNAM?

Noong Huwebes, Setyembre 4, kumalat naman ang balita na, diumano, umalis na sa Pilipinas at lumipad sa Vietnam ang pamilya Discaya noong September 3.

Noong Setyembre 3, humarap sa presscon ang legal counsel ng mga Discaya na si Atty. Cornelio Samaniego III.

Read more about

Mariin niyang pinabulaanan ang mga hinalang tatakas at lilipad sa ibang bansa ang kanyang mga kliyente.

“Hindi ho magtatago yan. Saka kapag nagtago ka, hahabulin ka rin ng batas, kahit nasa ibang bansa ka, ganoon din.

PAMANGKIN NI ZALDY CO NA SI CLAUDINE CO BINASH DAHIL SA FLOOD CONTROL!  TINAWAG PRINSESA NG PILIPINAS - YouTubezaldy co niece claudine co

“Madali lang yan, ipa-cancel lang ang passport mo, tapos ka na.

“Stateless ka na. Hindi ka na makakapunta sa ibang bansa.

“Kahit nasa Singapore ka, whatever, kapag kinansel ang passport mo, wala na.

“Saan ka pa? Mako-corner ka rin,” katuwiran ni Samaniego, isang araw bago kumalat ang mga haka-hakang nakaalis na ng bansa ang mga Discaya.

Related Posts

MAVY LEGASPI IPINALIWANAG KUNG BAKIT GANUN SIYA MAG-HOST SA PBB COLLAB 2.0 BIG NIGHT

PBB COLLAB 2.0 BIG NIGHT: “CRINGE MOMENT” NG HOST, NGUNIT ISANG TAGUMPAY PA RIN Sa isang gabi ng kislap, ilaw, at walang patid na excitement, naganap ang…

WALA NG CONTRACT! GMA HEAD LILIPAT NA NG TV NETWORK!

WALA NG CONTRACT! GMA HEAD LILIPAT NA NG TV NETWORK! Isang nakakagulat na balita ang kumalat sa industriya ng telebisyon ngayong araw. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source,…

NAGTAGO NA BA SI GRETCHEN BARRETTO? 😳 Iba na pala ang takbo ng kanyang buhay ngayon kumpara sa mga panahong laman siya ng headlines at kontrobersiya. Mula sa marangyang pamumuhay at matitinding isyu, tila pinili niya ang mas tahimik na mundo. Pero ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanyang paglayo sa spotlight? May bagong yugto bang hindi pa alam ng publiko? Tuklasin ang buong rebelasyon sa bahagi ng komento 👇

Sa mahabang kasaysayan ng Philippine entertainment, kakaunti ang mga personalidad na ang pangalan ay kasing-tunog ng karangyaan, talento, at kontrobersya gaya ni Gretchen Castelo Barretto. Kilala bilang…

EKSKLUSIBO: Daddy Bonoy, Binasag ang Katahimikan! Ang Maanghang na Mensahe at Hinanakit kay Paul Soriano sa Gitna ng Matinding Pagsubok ng Pamilya Gonzaga

Sa gitna ng makabago at mabilis na mundo ng showbiz, kung saan ang bawat kibot ay balita at ang bawat desisyon ay hinuhusgahan, muling nalagay sa sentro…

GLOBAL CRISIS ALERT: Gitnang Silangan, Nagliliyab sa Giyera! Strait of Hormuz Isinara, Kaligtasan ng Milyong OFWs at Posibleng Pagdamay ng Pilipinas, Mariing Tinutukan!

ng Mundo sa Bingit ng Panibagong Digmaan: Ano ang Ibig Sabihin Nito para sa Bawat Pilipino? Sa mga oras na ito, ang mga mata ng buong mundo…

KIM CHIU, HINANAP NG MGA FANS SA HISTORIC PBB BIG NIGHT; DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA, EMOSYONAL SA PAGKA-PANALO NI LELLA FORD BILANG KAPAMILYA BIG WINNER!

MAYNILA, Pilipinas – Sa isang gabi ng makasaysayang pagtatapos at umaapaw na emosyon, muling pinatunayan ng Pinoy Big Brother (PBB) na ito pa rin ang tahanan ng…