WHAT PEP KNOWS: Is Bea Alonzo dating Puregold scion Vincent Co?

Nakahanap na ba ng bagong pag-ibig ang Kapuso actress na si Bea Alonzo?

Humigit-kumulang isang buwan na ang nakalilipas mula nang unang makarating sa PEP Troika ang impormasyong nakaka-date ni Bea ang negosyanteng si Vincent Co.

Si Vincent ay presidente ng Puregold mula 2015, base sa official website ng kilalang grocery retail chain.

Ang mga magulang niyang sina Lucio at Susan Co ang may-ari ng kumpanya. Si Lucio ang tumayong chairman mula 1998-2023. Pumalit na chairwoman si Susan mula noong 2024.

Nakasaad sa company profile ni Vincent sa website ng Puregold na siya ay nagtapos ng Entrepreneurial Management sa University of Asia and the Pacific noong 2003.

Si Vincent ay nasa early 40s, habang si Bea ay 37 taong gulang.

Sinasabing masugid sa panliligaw si Vincent kay Bea, pero low-key lamang ang dalawa noon.

Ayon sa source ng PEP Troika, noong minsang magkasakit si Bea habang nasa Siargao ay pinasundo pa ito ni Vincent via chopper para makauwi agad sa Maynila.

Patuloy raw ang magandang pagkakakilanlan ng dalawa.

Isa pang source ang nagsabing tinanong niya si Vincent kung nasa dating stage na sila ni Bea, at isang matamis na ngiti ang isinagot ng binata.

“Mayaman na mabait, very polite at approachable” ang ilan sa paglalarawan ng second source kay Vincent.

Ayon naman sa isa pang source ng PEP, kumpirmadong sina Bea at Vincent na.

BEA ALONZO AND VINCENT CO TOGETHER IN SPAIN?

Nayong Lunes, May 5, 2025, kumalat sa social media ang screenshot ng pamamasyal ng isang lalake at isang babaeng nakatalikod habang magkahawak-kamay.

Base ito sa ulat ng Insiderph.com na unang naglathala ng litrato mula sa Instagram account ni Vincent.

Kuha iyon sa isang beach sa Andalucia, Spain.

Hindi tinukoy ni Vincent ang babaeng kasama niya, pero hinihinalang si Bea iyon na nagbakasyon din sa Spain kamakailan.

Read more about

Noong April 21 at 24, 2025, may mga Instagram post si Bea na kuha niya sa Andalucia at Sevilla sa Spain.

CONTINUE READING BELOW ↓

 NOOD KA MUNA!

Bea Alonzo takes a photo with her Bash luggage at Andalucia, Spain

This is one of Bea’s photos from her IG carousel where the location tagged is Andalucia, Spain.

Photo/s: @beaalonzo Instagram

Nakasuot siya ng beige blazer, black skirt, at white rubber shoes.

Tugma iyon sa suot na blazer at black skirt ng nasa litrato ni Vincent. Pati ang haba ng buhok ni Bea at buhok ng nasa litrato ni Vincent ay pareho rin.

Bea Alonzo shows photos with friends by the seaside in her IG carousel where the tagged location is at Sevilla, Spain.

Bea Alonzo (center) shows photos with friends by the seaside in her IG carousel where the location tagged is at Sevilla, Spain.

Photo/s: @beaalonzo Instagram

Sa kumalat na screenshot na ibinahagi ng fans ni Bea, makikitang naka-like ang aktres sa IG post ni Vincent.

Bea Alonzo likes Vincent Co's IG post of a couple holding hands while walking by the beach in Andalucia, Spain.

Bea Alonzo likes Vincent Co’s IG post of a couple holding hands while walking by the beach in Andalucia, Spain.

Photo/s: Vincent Co IG via @moviequeenbea Twitter

BEA ALONZO ON BEING SINGLE AFTER BREAKUP

Isang taon at tatlong buwan na ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Bea at ang noo’y fiancé niyang si Dominic Roque.

Sa digital cover ng PEP noong August 2024, ibinahagi ni Bea na masakit ang makaranas ng heartbreak, pero pinili raw niyang kilalanin muli ang sarili at ibuhos ang panahon sa trabaho, libangan, at pakikipagkita sa mga kaibigan.

Noon ding buwang iyon, sa isang hiwalay na panayam ng PEP, inamin ni Bea na may mga manliligaw siya pero wala pa raw siyang masasabing constant date.

Related Posts

MAVY LEGASPI IPINALIWANAG KUNG BAKIT GANUN SIYA MAG-HOST SA PBB COLLAB 2.0 BIG NIGHT

PBB COLLAB 2.0 BIG NIGHT: “CRINGE MOMENT” NG HOST, NGUNIT ISANG TAGUMPAY PA RIN Sa isang gabi ng kislap, ilaw, at walang patid na excitement, naganap ang…

WALA NG CONTRACT! GMA HEAD LILIPAT NA NG TV NETWORK!

WALA NG CONTRACT! GMA HEAD LILIPAT NA NG TV NETWORK! Isang nakakagulat na balita ang kumalat sa industriya ng telebisyon ngayong araw. Ayon sa mga mapagkakatiwalaang source,…

NAGTAGO NA BA SI GRETCHEN BARRETTO? 😳 Iba na pala ang takbo ng kanyang buhay ngayon kumpara sa mga panahong laman siya ng headlines at kontrobersiya. Mula sa marangyang pamumuhay at matitinding isyu, tila pinili niya ang mas tahimik na mundo. Pero ano nga ba ang tunay na dahilan ng kanyang paglayo sa spotlight? May bagong yugto bang hindi pa alam ng publiko? Tuklasin ang buong rebelasyon sa bahagi ng komento 👇

Sa mahabang kasaysayan ng Philippine entertainment, kakaunti ang mga personalidad na ang pangalan ay kasing-tunog ng karangyaan, talento, at kontrobersya gaya ni Gretchen Castelo Barretto. Kilala bilang…

EKSKLUSIBO: Daddy Bonoy, Binasag ang Katahimikan! Ang Maanghang na Mensahe at Hinanakit kay Paul Soriano sa Gitna ng Matinding Pagsubok ng Pamilya Gonzaga

Sa gitna ng makabago at mabilis na mundo ng showbiz, kung saan ang bawat kibot ay balita at ang bawat desisyon ay hinuhusgahan, muling nalagay sa sentro…

GLOBAL CRISIS ALERT: Gitnang Silangan, Nagliliyab sa Giyera! Strait of Hormuz Isinara, Kaligtasan ng Milyong OFWs at Posibleng Pagdamay ng Pilipinas, Mariing Tinutukan!

ng Mundo sa Bingit ng Panibagong Digmaan: Ano ang Ibig Sabihin Nito para sa Bawat Pilipino? Sa mga oras na ito, ang mga mata ng buong mundo…

KIM CHIU, HINANAP NG MGA FANS SA HISTORIC PBB BIG NIGHT; DANIEL PADILLA AT KARLA ESTRADA, EMOSYONAL SA PAGKA-PANALO NI LELLA FORD BILANG KAPAMILYA BIG WINNER!

MAYNILA, Pilipinas – Sa isang gabi ng makasaysayang pagtatapos at umaapaw na emosyon, muling pinatunayan ng Pinoy Big Brother (PBB) na ito pa rin ang tahanan ng…