Isandaang porsiyento raw ang suporta ng aktres na si Jessy Mendiola para sa mister niyang si Luis Manzano na tatakbo umano bilang vice-governor ng Batangas.
Sa latest episode ng “Cristy Ferminute” nitong Martes, Oktubre 1, sinabi ni showbiz columnist Cristy Fermin na napakaganda raw ng suportang ibinibigay ni Jessy sa asawa nito.
“Napakaganda ng suportang ibinibigay ni Jessy. I’m sure bago nagdesisyon si Luis Manzano, isang matinding pag-uusap ang namagitan sa kanilang asawa,” saad ni Cristy.

Judy Ann Santos, kinilala ng Senado dahil sa Best Actress award
“Saka kapag responsable kang ama ng iyong pamilya, ng iyong tahanan, gano’n din kagandang serbisyo ang ibibigay mo sa ‘yong mga constituents,” wika niya.
Dagdag pa ng showbiz columnist: “Sabi nga, dapat nagsisimula sa tahanan ang anomang bagay na naibabahagi natin sa ating kapuwa.”
Matatandaang bago pa man ito ay nauna nang nagsalita si Jessy noong unti-unti nang umuugong ang usap-usapan tungkol sa umano’y balak ni Luis na pumasok sa mundo ng politika.
Pero sa kasalukuyan, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang inilababas na pahayag si Luis para kumpirmahin o pabulaanan ang tsikang tatakbo siyang bise-gobernador ng Batangas.