Usap-usapan ngayon ang chikang In-unfollow daw ni Claudia Barretto si Gerald Anderson sa kanyang Instagram account.
Ito ay dahil diumano sa pakikisimpatiya ni Claudia sa tsismis na ‘hiwalayan’ umano nina Julia at Gerald.
May inisyu pang hindi in good terms umano ang dalawa. True ba ito?
Sey nga ng isang dalahira, may konek daw ito sa hindi pagdalo ni Ge sa kasal ni Claudia.

May mga nagtanggol naman sa kapatid ni Julia at nagsabing never daw namang pinallow ni Claudia ang aktor sa IG.
Ito naman ang hirit ng mga tsismosang kapitbahay.
“claudia never followed gerald :)”
“Parang wala din siya sa wedding niya anes?”
“naka follow ba dati? akala ko andun siya nung wedding?”
“Parang nothing big deal ata? I checked Claudia’s following at puro closest relatives at family friends lang ang kasali sa 48 following niya. Wala rin siya masyadong pinafollow na celeb maliban sa Torres Family na known family friends sa kanila. Out of all the Barrettos, siya ang pinaka private so I guess mukhang wala naman meaning yung hindi niya pag-followback kay Gerald.” (Archie Liao)